All Around Protection Para sa Ating Loved Ones na Bedridden at Incontinent

A smiling caregiver gently placing a blanket over an older adult seated outdoors, representing comprehensive care and protection for loved ones with incontinence.

Hindi lang pisikal na pag-aalaga ang kailangan ng ating mga mahal na senior na may urinary incontinence. Mahalaga ring maunawaan natin kung bakit ito nangyayari upang mas maibigay natin ang tamang suporta at pangangalaga.

Maraming roles ang ginagampanan natin bilang caregiver. Maaaring tinutulungan natin silang:

  • I-adjust ang kanilang fluid intake batay sa rekomendasyon ng doktor.
  • Mag-arrange ng regular na bathroom trips.
  • Magbigay ng urinal o arinola upang mas madali silang makaihi.
  • Magpalit ng kanilang adult diaper at damit.
  • Tulungan silang mapanatili ang kanilang kalinisan, ginhawa, at dignidad sa araw-araw.

Paano Nagiging Incontinent Ang Isang Tao?

An older adult sitting near a walker while holding an incontinence pad, illustrating the primary causes and management of urinary incontinence.

Kasama rin sa ating responsibilidad bilang caregiver ang pagpapaliwanag sa ating mahal na senior kung bakit sila nakakaranas ng incontinence.

Nakakatulong ito upang maunawaan nilang isa itong medikal na kondisyon at hindi nila dapat sisihin ang kanilang sarili dahil hindi nila ito basta makokontrol. Sa katunayan, ang pagpipigil ng pag-ihi o pagdumi ay maaari pang magdulot ng iba pang komplikasyon. Kapag mas naiintindihan nila ang kanilang kondisyon, mas magiging bukas din sila sa pagtanggap ng tulong at tamang pangangalaga.

Narito ang ilan sa mga karaniwang sanhi ng incontinence.

Pagtanda

Karaniwan ang incontinence sa mga senior dahil humihina ang mga muscles na sumusuporta sa bladder at iba pang pelvic organs habang tumatanda. Kaya mahalagang ipaliwanag sa ating mga mahal na senior na maaaring bahagi ito ng pagtanda at hindi nila ito kasalanan.

Urinary Tract Infection (UTI)

Kapag may urinary tract infection, maaaring makaranas ng pananakit at madalas na pagnanais umihi. Sa maraming pagkakataon, nawawala rin ang sintomas kapag nagamot ang UTI.

Enlarged Prostate

Sa mga kalalakihan, ang enlarged prostate ay isa sa mga posibleng sanhi ng incontinence. Kapag lumalaki ang prostate, maaari nitong maipit ang urethra at bahagi ng pantog, kaya nagkakaroon ng hirap sa pag-ihi o pagtagas ng ihi.

Bukod sa urine leakage, maaari ring makaranas ng mahinang ihi o hirap simulan ang pag-ihi.

Neurological Disorders

Maaaring magkaroon ng incontinence kapag may problema sa komunikasyon ng utak, nerves, at bladder muscles.

Maaari itong mangyari pagkatapos ng stroke, spinal cord injury, Parkinson’s disease, dementia, at iba pang neurological conditions.

Physical Disability

Kung may limitasyon sa paggalaw ang isang senior, maaaring hindi sila makarating agad sa banyo kapag kailangan nilang umihi.

Tinatawag itong functional incontinence, kung saan ang pangunahing dahilan ng urine leakage ay ang hirap sa pagpunta sa toilet sa tamang oras.

Paano Makakatulong ang Adult Diapers sa Pang-araw-araw na Pangangalaga?

An older adult holding an adult diaper, demonstrating how incontinence products help with daily senior care and hygiene management.

Sa mga pagkakataong pangmatagalan ang incontinence o hindi na maibabalik sa dati ang sanhi nito, malaking tulong ang paggamit ng tamang adult diaper upang mapanatili ang kalinisan, kaginhawahan, at kumpiyansa ng ating mahal na senior.

Upang maibigay ang pinakamahusay na pangangalaga, mahalagang pumili ng adult diaper na may maaasahang proteksyon at kumportableng fit, tulad ng Caress Adult Diaper.

Super Absorbent Pad

May super-absorbent pad ang Caress Adult Diaper na mabilis na sumisipsip ng likido at inilalayo ito sa balat.

Nakakatulong itong mapanatiling tuyo ang pakiramdam ng senior para sa mas komportableng paggalaw at mas mahimbing na pahinga.

Antibiosis

May antibiosis feature ang Caress na tumutulong na pigilan ang pagdami ng bacteria na maaaring magdulot ng diaper rash.

Malaking tulong ito upang mapanatiling malusog ang balat, lalo na kung madalas magsuot ng adult diaper.

Odorless Protection

May deodorization feature ang Caress Adult Diaper na tumutulong na mag-neutralize ng urine odor para mas presko at mas kumpiyansa ang pakiramdam ng gumagamit.

Mas nagiging komportable rin ang pag-aalaga para sa caregiver dahil nababawasan ang hindi kanais-nais na amoy.

Double Adhesive Tape at Frontal Tape

May double adhesive tape at frontal tape ang Caress para sa mas madaling pag-aadjust at tamang fit.

Nakakatulong itong mabawasan ang leakage at maiwasan ang lawlaw na pakiramdam habang suot ang diaper.

Wetness Indicator at Leak Guards

Ang wetness indicator ay nagbibigay ng senyales kung kailan kailangang palitan ang diaper, habang ang leak guards ay tumutulong maiwasan ang pagtagas.

Lalo itong kapaki-pakinabang para sa mga senior na may limitadong paggalaw o nangangailangan ng tulong ng caregiver.

Liquid Distribution Layer (LDL) at Absorbent Core

May Liquid Distribution Layer (LDL) ang Caress Adult Diaper na tumutulong ipamahagi ang likido nang pantay sa absorbent pad upang maiwasan ang pamumuo ng likido sa isang bahagi lamang.

Kasama nito ang absorbent core na mabilis na nagla-lock ng likido para manatiling tuyo at komportable ang balat.

Mas Maginhawang Pangangalaga para sa Ating mga Mahal na Senior

Ang pag-aalaga sa isang senior na may incontinence ay nangangailangan ng pasensya, pag-unawa, at tamang kaalaman. Kapag naiintindihan natin ang mga posibleng sanhi ng kanilang kondisyon, mas magiging madali ring maibigay ang suportang kailangan nila araw-araw.

Kasabay ng tamang payo mula sa doktor at maayos na pangangalaga, makatutulong ang paggamit ng tamang adult diaper upang mapanatili ang kanilang kalinisan, kaginhawahan, at dignidad.

Kung naghahanap ka ng maaasahang partner sa pag-aalaga ng iyong mahal na senior, subukan ang Caress Adult Diaper. Available ito sa Lazada at Shopee stores ng Caress.

Everyday Incontinence Care

Thoughtfully Designed for Everyday Comfort

Care Starts with Understanding

Helpful Guides for Better Daily Comfort

A person holding up a clean white adult disposable incontinence brief, with a tissue box and blurred background in a bright room.

Adult Bedwetting: What Causes It and How to Manage the Condition

Bedwetting, also known as nocturnal enuresis, is the involuntary release

Read more

Two women smiling and hugging happily against a light background.

How to Manage Incontinence: Tips to Improve Comfort and Quality of Life

Living with incontinence can be challenging, but it doesn’t have

Read more

A smiling young female caregiver assisting an older woman with gentle arm movements outdoors.

Taking Control of Urinary Incontinence: A Guide for Women

Urinary incontinence is the involuntary leakage of urine. It usually

Read more

Close-up view of a person checking an inflamed, reddish skin rash on the abdomen.

Comfort and Hygiene Tips for People Living with Urinary Incontinence

If you or someone you care for is living with

Read more

foods to avoid when you have urine leaks: sliced citrus fruits, including grapefruits, oranges, lemons, and limes

Urine Leaks 101: Food and Drinks to Avoid

If you are experiencing urine leaks, you may be living

Read more

A young caregiver embracing an older loved one to support her through senior incontinence management.

How to Help an Older Loved One Living with Incontinence

Have you noticed your older loved one making frequent trips

Read more